Ang pamilihang bayan ng Sofronio Española na sumasailalim sa paghihigpit bunga ng tumataas na bilang ng Covid 19 incident.

Dahil sa muli na namang tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19, sa bayan, muling maghihigpit ang Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) ng Sofronio Española sa pagpapatupad ng health protocols, partikular sa loob ng pamilihang bayan ngayong ikalawang linggo ng Setyembre upang mabantayan at malimitahan ang galaw ng mga market goers.

Ayon kay Dr. Rhodora Tingson, muling nagtalaga ang MIATF ng entrance at exit kung saan mahigpit na minomonitor ng mga kawani ng Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) at ng mga traffic enforcers ang lahat ng papasok sa palengke.

Magugunitang noong buwan ng Hulyo, isinailalim ng MIATF sa Rapid Antigen Test ang lahat ng mga nagtitinda sa loob ng pamilihang bayan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mamimili at hindi maapektuhan ang operasyon ng pamilihang bayan laban sa nakakahawang sakit.

“Follow our safety protocols sa loob ng pamilihan, magsuot ng facemask at distansya, bunsod na naman ito ng muling pagtaas ng mga kaso sa ating bayan,” muling paala-ala i Tingson, Biyernes, September 17.

- Advertisement -

Samantala, sa kasalukuyan ay may kabuuang bilang na 54 aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan na ito, kung saan, 53 sa mga ito ay nagpositibo sa Rapid Antigen Test at isa naman ang RT-PCR confirmed.

Umabot na sa pito ang bilang ng nasawi matapos na madagdagan ng isang RT-PCR confirmed positive noong nagdaang linggo.

Previous articleCloudy skies in Palawan brought by ITCZ
Next articleRescued endangered variable monitor lizard handed over to PCSDS
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.