Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ang mga kawani ng pamahalaang lokal, mga guro, miyembro ng Philippine National Police (PNP), barangay officials, at ilang pribadong indibidwal.

May kabuuang 146 blood units ang nakolekta ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Quezon sa isinagawang “Give Blood, Save Life” blood donation activity sa Diwata Hall nito, araw ng Miyerkules, Disyembre 1.

Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ang mga kawani ng pamahalaang lokal, mga guro, miyembro ng Philippine National Police (PNP), barangay officials, at ilang pribadong indibidwal.

Ayon kay Dr. Josieveline Abiog-Damalerio, Municipal Health Officer, ang aktibidad ay bilang bahagi ng pagsuporta ng pamahalaang lokal sa Philippine Red Cross-Palawan upang tugunan ang pangangailangan sa bilang ng dugo para makadugtong sa buhay ng bawat mamamayang Palaweño na nangangailangan.

- Advertisement -

“We collected 146 blood bags and papadala agad ito sa Red Cross Palawan upang makatulong tayo,” Damalerio said, December 1.

Dagdag niyang marami pang blood-letting activity sa iba pang barangay ng bayan ang kanilang gagawin sa mga susunod pang pagkakataon sa tulong na rin ng mga blood donors.

Previous articleCast and fans celebrate together Money Heist’s legacy
Next articleMDRRMOs, reservists, red cross personnel undergo rescue training
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.