MGB Mimaropa, pinalalakas ang kakayahan ng LGU sa DRRM

Ipinakita sa mga geologist at mga opisyal ng Marinduque ang isang mapa kung saan natukoy ang mga lugar na maaring bahain o pagguhuan ng lupa. (Larawan mula sa MGB Mimaropa)


LUNGSOD QUEZON— Bilang paghahanda sa mga pagbaha at pagguho ng lupa, pinalalakas ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Mimaropa ang kakayahan ng mga lalawigan sa mga pagtukoy ng mga panganib sa kanilang mga lugar.

Kabilang na rito ang mga bayan ng Boac at Mogpog sa Marinduque.

Tinipon kamakailan ng mga eksperto sa MGB – Mimaropa ang mga kinatawan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na kinabibilangan ng  Municipal Planning and Development Office at ang iba pang mga lokal na  tanggapan gaya ng social welfare and development offices, engineering, health at education, para sa isang seminar sa Vulnerability Risk Assessment (VRA) at Flood and Landslides Risk Exposure Assessment.

Sa ganitong paraan, lumalakas ang kumpiyansa ng mga lokal na pamahalaan sa disaster risk reduction and management o pagpaplano sa pagdaan ng mga bagyo at iba pang mga pangyayari gaya ng lindol.

Kasama sa mga pinag-usapan ay ang flooding and landslide risk exposure maps production at flood and landslide risk exposure assessment.

Namigay rin ang MGB Mimaropa ng mga kopya ng flood and landslide risk exposure maps sa workshop. (Source: Philippine Information Agency)

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...