Magkasunod na inaresto sa magkaibang munisipyo sa Palawan ang dalawang wanted sa batas noong mga araw ng Biyernes at Sabado.

Kinilala ang mga inaresto noong October 7 at 8 na sina Rodelio Torah Viejo, 41, at Robert L. Tompong Jr., a.k.a. “Negro”, 33.

Unang inaresto si Viejo ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion sa Taytay, dahil sa kasong serious physical injuries.

Ang pag-aresto sa lalaki ay sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Ronilo A. Beronio ng MCTC Taytay-San Vicente na may petsang February 5, 2021, kung saan may nakalaang piyansa na aabot sa P18,000.

Sa bayan ng Brookes Point ay inaresto rin Si Tompong ng mga pulis mula sa Sofronio Españoladahil dahil sa kasong qualified theft. Sa natura siyang bayan naaresto dahil doon siya nagtratrabaho.

Ang pagdakip sa kanya ay sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Branch 165 ng RTC sa Brooke’s Point na may petsang May 13, 2020.

May inilaan na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na aabot sa P40,000.

About Post Author

Previous articleKalayaan LGU asks WESCOM to hold regular health services missions
Next articleLalaki, huli sa drug buy-bust sa bayan ng Roxas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.