Ginawaran ng parangal ang Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) Palawan ng national headquarters nito dahil sa matagumpay na drug buy-bust operation na naging dahilan upang maaresto si Joseph lan Pe sa Saint Mary’s Village, Barangay San Jose, sa lungsod ng Puerto Princesa noong Oktubre 2022.

Ang “Wagas na Paglilingkod Award” ay ipinagkaloob ng PDEA National Headquarters sa lokal na ahensya kaugnay ng kanilang matagumpay na operasyon laban kay Pe na itinuturing na High Value Personality (HVP) pagdating sa droga sa lungsod at lalawigan.

Mahigit kumulang 1.89 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P3 milyon, 61 na piraso ng ecstasy tablets, at 3.74 gramo ng cocaine ang nakumpiska kay Pe.

“Matataas na klase ng illegal drugs ang nahuli sa kanya, at kauna unahang pagkakataon na nakakuha kami sa Palawan at MIMAROPA ng ganun kadaming high grade marijuana, cocaine, at ecstasy,” pahayag ng PDEA Palawan.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Puerto Princesa City Jail si Pe na kumakaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of the Philippines.

About Post Author

Previous articlePalawan lauds scholars who pass physician and medtech licensure exams
Next article#IOHorrorStories of Offloading: Senators castigate BI over “ridiculous” immigration requirements
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.