Labing-pitong indibidwal ang nagtapos sa Basic Hand to Hand Combat Refresher Training bilang bahagi ng Community Support Program (CSP) mula sa 33rd Marine Company (33 MC) ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) sa Barangay New Panggangan, Lungsod ng Puerto Princesa nitong nakaraang Abril 21-23.

Kabilang sa mga mga nakilahok sa pagsasanay ang mga barangay tanod at iba pang mga opisyales ng nasabing barangay. Layunin nito ang makapagpamahagi ng kaalaman sa pagtatanggol sa sarili at sa kapwa upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa nasabing barangay.

Ayon kay Cpt. Dennis D. Sadlay, Civil Military Operations (CMO) officer ng MBLT-3, ang nasabing pagsasanay ay napakahalaga para sa mga barangay tanod dahil sila ang unang rumiresponde kapag may kaguluhang nagaganap sa komunidad.

“Mahalaga ang naturang pagsasanay dahil kabilang po ang ating mga tanod at opisyales ng barangay sa unang tagatugon o responder kapag may suliranin o kaguluhan sa isang barangay,” pahayag ni Sadlay.

“Ang naturang pagsasanay ay walang ibang layunin kundi makapagbahagi ng kaalaman sa pagtatanggol ng ating sarili, pagtatanggol sa mga naaapi at pagtatangol sa ating kapwa.  Upang sa gayun ay mas mapanatili natin ang kaayusan ng ating pamayanan laban sa mga masasamang elemento ng ating lipunan,” dagdag niya.

Aniya, maaasahan na ang MBLT-3 sa ilalim ng 3rd Marine Brigade at ng WESCOM ay katuwang ng bawat komunidad sa lahat ng mabubuti at magagandang layunin, at patuloy nilang papaigtingin ang katahimikan, katatagan at kapayapaan ng lalawigan.

About Post Author

Previous articleLockdown inspires San Vicente youth to form group for skills and talent development
Next articleTatlong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa El Nido
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.