Naglabas ng anunsyo ang pamahalaang bayan ng Roxas para sa publiko tungkol sa pansamantalang pagsara ng lahat ng opisina sa munisipyo mula sa araw ng Lunes hanggang Miyerkules, Hunyo 7-9 upang isailalim ang mga ito sa disinfection.
Kasabay nito, sumailalim din sa apat na araw na isolation ang lahat ng opisyales at empleyado na nagsimula nitong araw ng Linggo, Hunyo 6.
Ang naturang hakbang ay bilang tugon ng pamahalaang bayan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 at bahagi na rin ng pag-iingat upang masigurong ligtas ang bawat tanggapan at mga kawani nito.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagpapaala-ala ng Municipal Inter-Agency Task Force ng bayan sa lahat ng mamamayan na mag-ingat at sundin ang mga alituntunin at patakarang ipinaiiral.
