Thu. Oct 17th, 2019

Mga suspek sa pananaga sa pulis, arestado

Inaresto  ng mga pulis sina Ernie Lozada at Edwin Parangue, mga suspek sa pananaga sa isang pulis sa Brgy. San Pedro, Lungsod ng Puerto Princesa, Huwebes, ika-10 ng Disyembre.

 

Sa imbestigasyon ni PO3 Ramon Alaska ng Mendoza Police Station, rumesponde sa kanyang kaibigan nag pulis matapos itong tawagan dahil sa pangha-harass  umano ng mga suspek sa boarding nito.  Nang dumating ang pulis sa lugar, inunahan na ito ng taga ng mga suspek bago ito makabunot ng baril. Sa pag-aakalang patay na ito, agad iniwan ng mga suspek ang biktima sa lugar.

 

Nakatawag pa ng ambulansya ang pulis at dinala ito sa isang pribadong pagamutan. Ayon sa biktima, nakainom umano ang mga suspek.

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong tangkang pagpatay.

 

Hindi na pinangalanan ang biktimang pulis para sa kanyang seguridad.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply