Ang isa sa tatlong suspek sa panggagahasa na si John Michael Namuco, 18, habang kinukuhanan ng mug shots sa City Police Station 2. (Photo by City Police Station 2)

Tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor de edad na may kasong panggagahasa ang magkasunod na inaresto ng mga pulis sa Honda Bay sa Barangay Sta. Lourdes, hapon nang Biyernes, Agosto 6.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina alyas Johnbert, 16 anyos, at isang estudyante, habang ang kaibigan at kasabwat nito na 17 anyos na mangingisda ay pinangalanan na alyas Lenard, at 18 anyos na si John Michael Namuco.

Ayon sa source ng Palawan News, Ang biktima ng tatlo ay menor de edad din na diumano ay nakainuman.

Kung saan November 12 noong nakalipas na taon ay pinilit umano ng tatlo na painumin ng alak ang biktima hanggang sa malasing ito saka umuwi ng bahay at nakatulog. Ngunit nagising na lang ito dahil sa may nakadagan sa ibabaw nito at puwersahan umanong ibinaba ang kanyang panloob at ginahasa ito.

- Advertisement -

Inaresto ang tatlo sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Bayani Usman ng Branch 50, 4th Judicial Region ng Regional Trial Court (RTC) sa kasong sexual assault na may kaugnayan sa Republic Act 7610 para sa two counts ng rape, na may petsang March 19, 2021.

May nakalaang P200,000 at P60, 000 piyansa bawat isa ang dalawang menor de edad para sa kanilang  pansamantalang Kalayaan, habang si alyas JM ay may inirekomendang piyansa na aabot sa P120,000 para sa unang kaso. Wala namang kaukulang piyansa para sa kanyang kasong rape.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng Police Station 1 ang tatlo.

Previous articlePCG activates TF ‘Kaligtasan sa Karagatan’ to promote safety of life, property at sea
Next articleEstablishments in Puerto Princesa call for easing of restrictions on sale of liquor, curfew hours
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.