Ang mga naaresto na sina Dominador Mondragon Magdayao na suspek sa kasong frustrated murder at si Bonel Escarlan Cantuba, alyas "Baybay".  (Photos from Palawan Police Provincial Office)

Dalawang suspek sa kasong frustrated murder at rape ang naaresto sa magkahiwalay na munisipyo sa Palawan noong Agosto 7 ng mga awtoridad, ayon sa pulisya.

Ang mga ito ay kinilalang sina Dominador Mondragon Magdayao na suspek sa kasong frustrated murder at si Bonel Escarlan Cantuba, alyas “Baybay”. 

Unang naaresto ang Rank No. 3 sa Municipal Level na si Magdayao, 46, isang magsasaka sa Barangay Jolo sa bayan ng Roxas sa isang joint operation ng municipal police station, katuwang ang 2nd Palawan PMFC at Provincial Highway Patrol.

Inaresto ito sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Paul Jagmis ng Branch 95 ng Regional Trial Court (RTC) noong Oktubre 9, 2019, ayon sa ulat ng Palawan Police Provincial Office.

- Advertisement -

Ang korte ay may rekomendasyon na P200,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sumunod namang nadakip ay si Cantuba, isang mangingisda, sa Sityo Pamulot, Barangay Bantulan sa bayan ng Taytay, dahil sa kasong panggagahasa.

Ang warrant of arrest para sa kanya ay ibinaba ni Judge Emmanuel Artazo, acting presiding judge ng Branch 14 ng RTC. May rekomendasyon ang korte na P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Previous articlePabillo now in Palawan ahead of vicar apostolic rites
Next articleEDITORIAL: PALECO’s legal struggles and strange misfortunes
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.