Ang motorcade ng mga Sara Duterte supporters sa munisipyo ng Sofronio Española

Nagsagawa ng isang motorcade ang mga Sara Supporters sa munisipyo ng Sofronio Española araw ng Huwebes, September 30.

Ang parada ay isinagawa ng grupo upang patuloy na hikayatin na tumakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas si Davao City Mayor Sara Duterte.

Umikot ang parada sa buong Barangay Pulot Center at pagkatapos ay nagsiuwian na rin ang mga partisipante at hindi na nagsagawa ng programa bilang pagsunod sa ipinapatupad na no mass gathering dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

“After motorcade, wala na din, nagkahiwalay na ang grupo. Naka-facemask naman ang lahat ng sumama sa activity at tiniyak pa rin nating nasunod ang health protocols sa Española,” pahayag ni Pia Satul, convenor ng grupo sa Sofronio Española.

Dagdag niya, bagama’t inindorso na ng PDP Laban ang tambalan nina Sen. Chrisopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte,  hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang magbabago ang desisyon ng partido at tatakbong pangulo ng Pilipinas si Mayor Sara.

“Nagpapakita pa rin kami ng suporta sa ating bayan. Malay natin magbabago ang tandem nito. solid Sara pa rin kami,” ani Satul.

About Post Author

Previous articleVG Dennis Socrates, pormal na naghain ng candidacy sa pagka gobernador
Next articleUP Marine Science Institute to set up research station on Pag Asa island
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.