(Brooke's Point Map from Google Maps)

BROOKE’S POINT, Palawan — Tulad ng maraming lokal na pamahalaan, ipinagbawal rin sa bayan na ito ang pagbisita sa mga sementeryo simula noong October 29 hanggang sa darating na November 2, bilang pagtalima sa kautusang inilabas ng National Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) upang makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay Jiro Ibrahim, municipal information officer ng lokal na pamahalaan, nakasaad sa resolusyon ng IATF na ang Undas ay isa sa mga kinukonsidera bilang super spreader event at posibleng maging dahilan ng pagdami ng kaso ng COVID-19 kung kaya minabuti ng lokal na pamahalaan na isara ang sementeryo sa mga nasabing petsa.

“Lahat ng sementeryo sa ating bayan ay sarado mula October 29 hanggang November 2, ayon na rin sa resolusyon ng National Inter-Agency Task Force o NIATF na nagsasaad na ang lahat ng mga sementeryo sa bansa ay isasara sa nasabing mga petsa upang maiwasan ang posibleng surge ng COVID-19,” pahayag ni Ibrahim.

Samantala, maaari namang bumisita ang mga mamamayan pagkatapos ng November 2 ngunit limitado lamang hanggang 10 tao bawat grupo.

Previous articlePamahalaang bayan ng Narra, naglabas ng patakaran para sa pagsasailalim sa GCQ
Next articlePangobilian IP community undergoes food processing training in Brooke’s Point
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.