Photo courtesy of P/Maj. Thirz Starky Timbancaya.

Sampung kalalakihan ang naaresto ng mga awtoridad noong Linggo sa bayan ng Coron matapos mahuling nagtutupada na ipinagbabawal sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ang tupada ay ginanap sa Barangay Sitio Abaca, Barangay San Nicolas. Kinilala ang mga nahuling kalalakihan na sina Rudy Amantillo Ramos, 50, Alfredo Pimentel Torregrosa, 29, Mark Anthony Tibulan, 24, Jaymark Desiderio Palioc, 22, Jerry Valita Bandianon, 47, Crisanto Magbanua Palencio, 38, Rengel Antonio Lira, 21, Noriel Cañete, 20, John Paul Guerero Ramos, 21, Gil Ortega Vincua, 63.

Lahat ay pawang residente ng munisipyo.

Ayon kay P/Maj. Thirz Starky Timbancaya, hepe ng Coron Municipal Police Station (MPS) nahuli ang mga lalaki sa kanilang ginawang operasyon alinsunod sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

Nahuli rin sa kanila ang ilang mga manok panabong, mga kagamitan nito at perang nagkakahalaga ng P1,400.

Nahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling), RA 11332 Mandatory Reporting of Notifiable Diseases which punishes ‘non-cooperation’ at Art. 151 of Revised Penal Code ng Executive Order No. 112 (GCQ)

About Post Author

Previous articleSM builds 7 emergency quarantine facilities in Metro Manila
Next articleProvince eyes strengthening of medical capacity
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.