- Advertisement by Google -

Nagpahayag ang Roxas Municipal Police Station (MPS) na nakahanda silang sampahan ng kaso ang isang grupo ng mga rider ng motorsiklo na nanakit ng limang kabataan noong Araw ng San Juan, June 24, matapos silang buhusan ng tubig ng mga ito sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tinitian.

Ayon kay P/Maj.. Carlito Valdez, hepe ng Roxas MPS, nag-usap ang dalawang panig na sila lamang at walang kaharap na mga pulis, kung saan nagbigay umano ng P12,000 ang isa sa mga rider.

Nilinaw ni Valdez na hindi sila namagitan sa naturang pag-uusap na ginanap sa opisina ng kanilang Women and Children’s Protection Desk (WCPD).

“Iniwan sila ng WCPD, sabi sa kanila mag-usap kayo, kung may mabuo kayong usapan, kung magkakaso man o magkakasundo, abisuhan niyo kami,” ayon kay Valdez.

- Advertisement -
Kuhang video ng pambubugbog ng grupo ng riders sa Roxas.

Idinagdag din ni Valdez na nakausap niya si kapitan Andrew Golifardo ng Tinitian, at nalaman niya na ipinababalik nito ang P12,000 na ibinigay ng isa sa mga rider na kinalalang isang Mark Reyes.

“Nagulat na lang ako nang tumawag si kapitan Golifardo sa pulis ko kahapon at sinabi na ibabalik daw nila ang perang ibinayad,” dagdag ni Valdez.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin umano ng mga rider na nasaktan nila ang isa sa mga kabataan, na driver ng kanilang sinasakyang tricycle, matapos silang buhusan ng tubig ng mga ito habang binabagtas ang national highway.

“Ang nangyari doon, nasabuyan ng tubig ang harapan ng helmet ng isang rider na angkas niya ang kanyang asawa. Dahil doon daw muntik silang sumimplang at magkabanggaan dahil magkakasunod lang sila. Dahil doon, hinabol nila ang traysikel na umovertake sa kanila at doon na nga daw nangyari ang pananakit,” ayon kay Valdez.

Tumuloy sa Port Barton, San Vicente ang mga rider matapos ang insidente kung saan natunton sila ng Roxas PNP at dinala sa istasyon upang imbestigahan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDOH rules out drinking water as main cause of local diarrhea cases
Next articleNawawalang 10 taong gulang na bata, nakita sa Saraza, Brooke’s Point
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.