Kinilala ang mga opisyal ng bangka na sina Roque Oflanga Alob, 34; Bernabe Jarina Pontrivida, 46; Benjamin Santillan Vellaceran, 42; at ang 16 na crew nito na mga residente ng Bantayan Island, Cebu.

Labing siyam ang hinuli ng mga awtoridad habang iligal na nangingisda gamit ang “hulbot” sa bisinidad ng Barangay Algeciras sa bayan ng Agutaya, alas onse ng umaga nitong araw ng Miyerkules, June 2.

Kinilala ang mga opisyal ng bangka na sina Roque Oflanga Alob, 34; Bernabe Jarina Pontrivida, 46; Benjamin Santillan Vellaceran, 42; at ang 16 na crew nito na mga residente ng Bantayan Island, Cebu.

Ayon ka P/Lt. Leo Bacunga, hepe ng Agutaya Municipal Police Station (MPS), nagpapatrolya ang kanilang tropa ng mamataan ang bangka na iligal na nangingisda sa karagatan ng Agutaya.

“Naabutan namin sila inaangat ang hulbot. Bukod kasi sa bawal na ito dahil sa maliliit na butas ng net ang ginagamit, yung pabigat nila dito ay nakakasira ng mga corals,” pahayag ni Bacunga.

Simula nang maupo bilang hepe ng Agutaya MPS si Bacunga nitong buwan ng Abril ay ito na ang ikatlong bangka na nahuli nilang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng bayan.

Samantala, matapos na makapagbayad ng multa kaugnay sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 26 at Ordinance No. 08, series of 2008, ay agad din na pinakawalan ang mga mangingisda.

Previous articleKaso ng COVID-19, paakyat pa rin sa Roxas at San Vicente
Next articleHazard pay for gov’t workers reporting in ECQ, MECQ areas OK’d
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.