Aicilag Neliaram Larawan ng mga tubong nasira ng pagbaha sa bayan ng Brooke's Point

Problema ng mga residente ng bayan ng Brooke’s Point ang halos mag-iisang buwan ng kawalan ng suplay ng tubig sa mga kabahayan na nakakonekta sa tatlong water system ng bayan.

Ito ay matapos masalanta ng malawakang pagbaha at matabunan ng lupa ang mga tubong nakakonekta papunta sa Filantropia, Macagua, at Cabinbin water stations.

Ayon kay Engr. Ronie Cabasal, patuloy ang pagsasagawa ng clearing operations ng mga kinatawan ng Brooke’s Point Water System (BPWS) katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO sa pangunguna ni Officer In-Charge Joey Herredero sa mga bahagi ng planta ng mga water system.

Nauna ng ibinahagi ni Brooke’s Point mayor Cesareo Benedito Jr. sa Palawan News ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan para maisaayos ang mga patubig ng bayan.

Ayon kay Benedito, umabot ng P6 milyon ang kabuuang damage ng water system ng bayan.

Ayon pa sa punong bayan, bagama’t may kalakihan ang kinakailangang pondo ay ginagawan naman nila ng paraan para agarang maisaayos ang proyekto.

“Yung mga materyales nga mabuti ay nagpahiram si Mayor Ong [ng bayan ng Rizal] muna at ang provincial government na papalitan naman ng munisipyo,” pahayag ni Benedito.

Unang inaayos ngayon ang Filantropia at Macagua water system habang pinagaaralan pinag-aaralan ng mga tauhan ng munisipyo na ikonekta sa linya ng tubo patungong Poblacion upang pansamantalang makapagsupply ng tubig habang inaayos naman ang Cabinbin water system.

Samantala, humihingi naman ng pangunawa ang pamunuan ng BPWS sa taong bayan dahil hindi basta maitawid ang mga malalaking tubo na kailangan sa masusing pagsasaayos ng linya ng tubig dahil na rin sa pabago-bagong panahon na nagiging dahilan ng muling pagbaha o pagtaas ng tubig.

About Post Author

Previous articleLolo patay sa pananaga sa bayan ng Narra
Next articleProvincial board eyes Sta. Lourdes, Robinson’s mall as drop off, pickup points for north bound passengers
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.