Libreng serbisyo sa pagpapa check-up ng mata, katuwang si Dr. Jesus Ong ng Palawan Eye Center.

Humigit kumulang 1,500 na mga residente mula sa apat na barangay sa Brooke’s Point ang napagkalooban ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan sa isinagawang medical mission ng Ipilan Nickel Corporation (INC) ilang araw bago sumapit ang pasko.

Nakatanggap ng libreng bunot ng ngipin, check-up sa lalamunan, tainga, at mata ang mga residente ng barangay Calasaguen, Maasin, Mambalot, at Ipilan.

Ang mga kabataan naman ay napagkalooban ng libreng gupit at tuli.

Nagkaroon din ang rapid diagnostic testing para sa malaria na may libreng kulambo na isinagawa sa covered gym ng Maasin mula December 9-10.

Ayon kay Alex Arabis, resident mine manager ng INC, ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng mga nasabing barangay ay upang makatulong sa kanilang mga pangangailangang medikal at upang magsilbing regalo na rin sa kanila ngayong pasko.

“Para ito sa inyo—kasama ang ating mga partners sa serbisyo, tulad ng Palawan Eye Center at marami pang iba—yong local government unit, yong Municipal. maligagang kapaskuhan sa inyong lahat,” sabi niya.

Samantala, isang biyaya naman para kay Honorata Singuio, isang senior citizen mula sa Brgy. Calasaguen, ang mabigyan ng libreng check-up sa kanyang kalusugan lalo na sa kanyang mata.

“Malaking bagay po talaga, kaysa magpakonsulta ka pa po mas malaki na ang gastos kapag pupunta ka pa sa puerto, dito malaking tipid na po at libre na,” sabi ni Lola Honorata.

Nabigyan naman ng mga libreng gamot at mga food supplements and vitamins ang mga nakitaan ng mga sintomas ng sakit sa kanilang mga medical check-up sa araw na binanggit.

Ayon kay Alex Arabis, ang serbisyong ito ay sa ilalim ng pagpapatupad ng ibat-ibang programa at serbisyo sa Social Development and Management Program (SDMP) ng kompanya.

“Alam ko marami pa po tayong pagsasamahang mga ganitong aktibidad sa susunod na taon para sa mga taong nangangailangan ng ganitong serbisyong pangkalusugan,” dagdag ni Arabis.

About Post Author

Previous articleNarra District Jail nagsagawa ng community outreach activity sa Brgy. Calategas
Next articleWoman held for ransom in POGO dorm after being duped into taking fake job
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.