Masayang inaabot ng mga residente ng Barangay Bucana sa El Nido ang mga ayudang kaloob ng mga sundalo at pulis.

Muling nagsagawa ng magkatuwang na serbisyo komunidad ang Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) at El Nido Municipal Police Station (MPS) kung saan namahagi ang mga ito ng ayuda sa mga residente ng Barangay Bucana, noong araw ng Biyernes, Mayo 21.

Sa pamamagitan ng programang Barangayanihan Ayuda ng El Nido MPS at Damayan sa Kapwa ng  23rd Marine Company ng MBLT-3 ay 1,200 food packs ang naipamigay sa mga residente ng Bucana.

Naging katuwang sa pamamahagi ng ayuda si punong barangay Aracel Bacolod, mga opisyales ng Sangguniang Kabataan, at ilang pribadong grupo.

“Ang Bayanihan at Damayan ay simbulo ng pagkakaisa ng bawat Pilipino upang akayin ang bawat isa at tulungang bumangon lalo na ngayon na tayo ay panahon ng pandemya,” paliwanag ni P/CMS Marife Ustares ng El Nido MPS.

Previous articleSunny Monday forecast
Next articleBalabac, mahigpit pa rin ang pagbabantay sa mga sasakyang pandagat
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.