May kabuoang 146 persons deprived of liberty (PDL) na nasa pangangalaga ng Brooke’s Point District Jail (BPDJ) ang naiparehistro sa Municipal Commission on Elections (COMELEC) noong araw ng Sabado, Hulyo 30, kaugnay nang nalalapit na 2022 National and Local Elections.

Ayon kay Jail Officer 1 May Rose Rosel, ang mga PDL ay kinabibilangan ng 121 na lalaki at 25 na babae na naipatala sa isinagawang registration sa loob ng BPDJ.

Ilang mga PDLs sa BPDJ ang nabigyan ng pagkakataong mai-rehistro sa municipal COMELEC kaugnay nang nalalapit na eleksyon.

- Advertisement -

Bago pa man isagawa ang registration sa loob ng BPDJ, inihanda ng pamunuan ng piitan ang iba-ibang mga health protocol na dapat gawin upang matiyak ang kaligtasan ng mga PDL. Nag-install ang BPDJ ng mga modified cubicle at plastic barrier upang magkaroon ng distancing ang mga PDL at COMELEC personnel.

Paliwanag ni Rosel, ang pagpaparehistro sa mga PDL ay karapatan ng mga ito at prebilihiyo upang makalahok sa halalan at makapili ng mga nais nilang mamumuno sa isang bayan at sa bansa.

“This unit marked another milestone in securing the right of our PDLs to vote and be heard in a democratic process,” pahaya ni Rosel.

Dagdag niya, ang pagtitiyak na masunod ang health protocols sa naturang voter’s registration sa loob ng piitan ay bahagi ng pag-iingat ng kanilang pamunuan upang mailayo sa banta ng COVID-19 ang mga PDL.

Previous articleCity Council lauds SM for supporting anti-COVID-19 efforts
Next articleYouth group conducts coastal clean-up in Old Guinlo, Taytay
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.