Dumating noong Pebrero 23 sa Romblon si DepEd Regional Director Nicolas T. Capulong at mga kasamahan nito sa DepEd MIMAROPA Regional Office. (Larawan mula sa DepEd Tayo Romblon)

ODIONGAN, Romblon — Dumating ngayong araw sa Romblon si DepEd Regional Director Nicolas T. Capulong at mga kasamahan nito sa DepEd Mimaropa Regional Office.

Kasama rin nito ang Regional Monitoring Team na bibisita sa mga paaralan sa Romblon para pag-monitor at pag-validate sa kahandaan ng mga paaralan sa planong muling pagbubukas ng klase sa probinsya.

Ang monitoring at validation ang huling hakbang upang mapayagang muling bumalik ang mag-aaral sa paaralan.

Unang paaralang pinuntahan ni RD Capulong ay ang San Roque Elementary School sa Alcantara, Romblon kung saan siya binati ng pasasalamat ng mga guro, magulang, at barangay officials na nagtulungan sa preparasyon ng paaralan.

- Advertisement -

Sa isang pahayag, sinabi ni RD Capulong na handa na nasabing paaralan sa pagbabalik ng face to face classes.

Inaasahang mag-iikot pa ito sa iba pang paaralan sa probinsya. (PJF/PIA Mimaropa)

Previous articleCommunity-based drug rehab program, sinimulan ng CELP sa Mangsee
Next article1st Miss Palawan Universe awaits coronation