No Images found.

Mga paaralan sa Brgy. Caruray pinagkalooban ng aklat

Ilang mga paaralan ang nabigyan ng mga aklat sa bayan ng San Vicente, Palawan mula sa C&E Publishing, Inc. | Mga larawan mula sa Stay Alert, Stay Alive Facebook page.

SAN VICENTE, Palawan — Namahagi ng mga aklat sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Barangay Caruray sa bayan na ito ang C&E Publishing, Inc. sa Old Caruray Elementary School, New Caruray Elementary School at Pag-asa Elementary School noong ika-22 at 24 ng Marso, taong kasalukuyan.

Layunin ng C&E Publication, Inc. na patuloy na makapagbibigay ng dekalidad na edukasyon ang mga guro ng mga nasabing paaralan na itinuturing na makabagong bayani sa panahon ng pandemya.

Ang aktibidad ay isinagawa katuwang ang Community Support Program (CSP) Team ng 33rd Marine Company (33 MC), Marine Battalion Landing Team-3

Ayon kay Cpt. Mark Joseph Zuniega, pinuno ng 33 MC, malaki ang maitutulong ng nasabing mga aklat sa mga mag aaral at maging sa mga guro.

“Makakatulong sa pag aaral ng mga bata.. dahil sa libro na naibigay, magiging mas maganda ang pagtuturo ng mga guro dahil may magagamit silang karagdagang mga reference,” pahayag ni Zuniega.

Ang mga nasabing libro ay tinanggap nina Marivic Saberon ng Old Caruray Elementary School, Dorinada Gabuya ng Pag-asa Elementary School, Felipe Ferrer ng New Caruray Elementary School, kasama sina kagawad Maxima Alpas at Sangguniang Kabataan chairperson Frances Agaba upang maipamahagi sa iba pang mga paaralang elementarya ng Brgy Caruray.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry