Sa kasalukuyang datos ng PDRRMO, aabot sa P27 milyon ang pinsala ng nagdaang bagyo sa kabuhayan ng mga residente sa southern Palawan.

Makakaasa na mabibigyan ng livelihood at housing assistance ang mga residente ng Narra na naapektuhan ng bagyong Maring, ayon kay acting vice mayor Prince Demaala.

“Gusto nating i-assess ang pagbangon nila, doon natin gustong ibuhos ang tulong sa mga nawalan ng bahay at hanap-buhay, para kahit papaano, maliban sa tulong pinansyal para makaahon sila sa nangyaring sakuna,” ayon sa kanya.

Aniya, aabot sa 2,000 residente ang naapektuhan ng hanging habagat na pinalala pa ng bagyong Maring, lalo na sa mga barangay ng Princess Urduja, Batang-Batang, Malinao, at Aramaywan, at lahat ay nangangailangan ng tulong upang muling makaahon sa dinanas na trahedya.

Sabi ni Demaala, magsasagawa ng assessment ang lokal na pamahalaan para malaman kung sino ang mga nawalan ng bahay at kabuhayan ng sa ganoon ay matulungan sila sa lalong madaling panahon.

Sa kasalukuyang datos na inilabas ng Palawan Provincial Disaster Risk Reductiona and Management Office (PDRRMO), aabot sa P27 milyon ang pinsala ng nagdaang bagyo sa kabuhayan ng mga residente sa southern Palawan.

Lima rin ang nasawi ng dahil sa pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan, at magpahanggang sa ngayon ay mayroon pang mga nawawala.

Previous articlePalawan-Albay female chessers notch win in PCAP games
Next articleSpinal conditions as compensable work-related illnesses
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.