Oct 1, 2020

Mga nagtotong-its huli sa Taytay

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office (PPPO) ang nasabing mga residente ay naaktuhang nagsusugal, nahuli sa kanila ang 7 habang ang tatlo naman ay nakatakas.

Pitong tao ang inaresto ng mga awtoridad habang naglalaro ng “tong-its” at “bet game” sa Sitio Montevista, Barangay Poblacion, Bayan ng Taytay, Linggo ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nahuling residente na sina Belmore Tacurda Bonapus, 40, Rosario Arban Tacurda, 60, Gina Palang Dela Cruz, 38, Harry Roy Tacurda, 52, Lemuel Quizan Dela Cruz, 58, Irene Roy Dela Cruz, 50, Mark Anthony Roy Aloro, 33.

Nakilala naman din ang 3 pa nilang kasamahan na nakatakas na sina Edgar Gentiliso, Romy Roy Tacurda, Lodi Roy Tacurda.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office (PPPO) ang nasabing mga residente ay naaktuhang nagsusugal, nahuli sa kanila ang 7 habang ang tatlo naman ay nakatakas.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang playing cards at P1,375.

Isang impormasyon na natanggap ni Capt. Roel Antonio Tattao, hepe ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang dahilan ng kanilang pagkakahuli.

Kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Tong-its and Bet Game) ang kakaharapin ng mga suspek.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry