No Images found.

Mga mayor ng San Vicente at Taytay naglatag ng alituntunin para sa boundary ng dalawang bayan

SAN VICENTE, Palawan — Nagtungo si mayor Amy Alvarez ng bayan na ito sa Taytay para makipagpulong sa mayor nito na si Christian Rodriguez na may kaugnayan sa patakarang ipinatutupad nila kaugnay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Palawan.

Ginawa ni Alvarez ang pagbisita matapos bisitahin nito ang checkpoint sa Barangay Binga sa San Vicente kung saan dumadaan ang mga residente ng mga barangay ng Banbanan at Minapla.

Sa nasabing pag-uusap, napagkasunduan ng dalawang punong bayan na maglagay ng logbook para sa mga biyaherong pupunta at aalis sa Banbanan at Minapla na dumaraan sa Binga. Kabilang sa mga impormasyong kailangang ilagay ng biyahero ang kanyang pangalan, destinasyon, at contact number na magagamit kung kakailanganing magsagawa ng contact tracing.

Ayon kay Rodriguez, magsasagawa rin sila ng koordinasyon sa dalawang barangay upang mabigyang impormasyon ang mga biyaherong magmumula at papasok doon bilang pagsunod sa mga panuntunan na ipinapatupad ng bayan ng San Vicente.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry