Hinihikayat ng pamunuan ng Brooke’s Point Safety Seal Committee (BPSSC) ang lahat ng may-ari ng mga negosyo sa bayan na ito na kumuha ng safety seal certification, matapos ang isinagawang pagpupulong noong araw ng Martes, Pebrero 8.

Ang pagkakaroon ng safety seal certificate ay naglalayon na masigurong ligtas ang mga establisyemento laban sa COVID-19 at magsisilbi ring patunay na sumusunod sila sa mga health protocols na ipinaiiral at bilang proteksyon na rin sa mga empleyado at mga kliyente na pumapasok.

Sa nasabing pulong ay binuo ng committee ang mga alituntunin sa aplikasyon para dito, alinsunod sa executive order na inilabas ni acting Mayor Georjalyn Ordinario Quiachon noong Pebrero 7.

Ayon kay municipal information officer Jiro Ibrahim, ito ay ipatutupad kaugnay sa pagsisimula ng programa ng pamahalaang lokal ng Brooke’s sa Safety Seal Certification Program, bilang pagtiyak sa kaligyasan ng mga mamamayan ngayong panahon ng pandemya.

“As soon as we receive an application mag- start na ito,” pahayag ni Ibrahim, Pebrero 9.

Dagdag niya, bilang bahagi ng proseso para dito, sa sandaling matanggap ng committee ang aplikasyon para sa safety seal certification, agad itong bibigyan ng schedule para sa establishment inspection, bago mabigyan ng sertipikasyon.

Mahalaga aniyang magkaroon ng safety seal upang maging ligtas ang bawat establisemento sa bayan ng Brooke’s Point upang maprotektahan ang bawat isa sa nakakahawang sakit na COVID-19.

About Post Author

Previous articlePulis na si Ugalde, nasampahan na ng kaso at makakapagpiyansa
Next articleCOMELEC junks Bayron disqualification case
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.