Larawan ni Aris Arzaga

Nasa dalawampu’t isang mga fisherfolk sa Barangay Taburi sa bayan ng Rizal ang napagkalooban ng pamahalaang panlalawigan ng mga materyales para pagtatanim ng seaweeds noong December 17.

Ang mga materyales, tulad ng lubid, ay ipinamahagi sa ilalim ng programang Seaweeds Industry Development Program (SIDP) na sinusuportahan naman ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng provincial government katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Rizal.

Sa panayam ng Palawan News kay municipal agriculturist Henry Palarca, Martes, sinabi niya na umaasa siya na ang mga ganitong klaseng tulong sa mga nagpaparami at nagtatanim ng seaweeds sa kanyang bayan ay maging daan sana upang pagbutihin pa at mapataas pa ang ani ng agar-agar o seaweeds sa Taburi.

“Sa mga seaweeds farmer natin sa Rizal, napaka suwerte natin dahil laging nandiyan ang mga ganitong klaseng tulong ng provincial government sa kanila kaysa naman bilhin pa nila yong mga ganyang materyales. Bawas na rin ito sa kanilang mga gastos,” sabi ni Palarca.

“Malay natin sa mga susunod na pagkakataon ay napaka produktibo na ng ating seaweed plantations and production sa Rizal,” dagdag niya.

Samantala ayon naman kay Dr. Myrna Lacanilao, ang siyang livelihood project management unit manager ng I-HELP ng provincial government, isa ang seaweeds production sa mga programang pang-agrikultura sa lalawigan na patuloy na sinusuportahan ng kaniyang tanggapan upang mas lalo pang magkaroon ng magandang ani at produksyon ang mga farmer sa probinsya.

“Tayo naman sa provincial government, at the same time, sa ating programang ito, hindi nawawala ang suporta natin sa mga seaweed farmers natin. Lagi tayong nandito, nagbibigay ng mga training, propagules at mga materyales,” sabi niya.

 

 

About Post Author

Previous articleBriones orders preventive suspension of top DepEd Palawan official
Next articleAlvarez demands opening of PPC International Airport
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.