Patuloy na namumuhay sa kahirapan ang mga mangingisda at magsasakang Pilipino, base sa datos ng Philippine Statistics Agency (PSA) noong 2021.
Sa inilabas na datos ng ahensya, 30.6% na mga mangingisda ang namumuhay sa kahirapan, samantalang 30% ang mga magsasaka, at 25.7% naman ang mga nakatira sa mga rural areas.
Ang bilang ng mga naghihirap na mangingisda ay tumaas sa 4.4%.
Mas bumaba naman ng 1.6% ang bilang ng mga magsasakang naghihirap.
Ayon sa PSA, ang mga sektor na ito ang may pinakamaraming bilang ng mga indibidwal na ang pamilya ay namumuhay sa poverty treshold kumpara sa iba.
Dagdag pa ng ahensya, ang mga sektor na ito ay nakapagtala din ng mataas na poverty index noong 2015 at 2018.