ODIONGAN, Romblon PIA) — Nakatanggap ng mga makabagong kagamitan ang mga miyembro ng Odiongan Farmers and Fisherfolks Association ngayong araw mula sa Municipal Agricultural Office ng bayan ng Odiongan kamakailan.
Ang livelihood assistance na kanilang natanggap ay binubuo ng isang unit ng rice thresher, tatlong unit ng hand tractor, at apat na unit ng water pump.
Mismong si Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at Vice Mayor Diven Dimaala ang nanguna sa pagbibigay na ayuda sa mga maswerteng mga magasaka ng bayan.
Samantala, anim na miyembro ng Amatong & Upper Dapawan Farmer’s Association ang nakatanggap naman ng mga farm machinery na nagkakahalagang P550,000.
Ang proyektong ito ay isa lamang sa mga proyekto mula sa pondong ibinigay ng opisina ni Vice President Leni Robredo sa bayan ng Odiongan. (PJF/PIA Mimaropa)
