Larawan mula sa Culion Information Facebook page
- Advertisement by Google -

May kabuuang 100 magsasaka mula sa bayan ng Culion ang nakatanggap ng binhing palay mula sa Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan noong araw ng Huwebes, Hunyo 23.

Ang mga binhing palay ay tulong sa mga magsasaka upang magkaroon ng pangtanim sa kanilang mga lupang sinasaka.

Ayon kay Mayor Virginia de Vera, ang mga binhi ay ipinamahagi bilang ayuda sa mga magsasaka upang madagdagan ang kanilang pagkakakitaan.

Dagdag niya, mahalaga ang papel ng mga magsasaka para sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Culion para sa mas mabilis na pag-unlad at sa seguridad ng pagkain sa bayang ito.

- Advertisement -

“Naisakatuparan ang layunin na mabigyang pansin ang ating magsasakang nasa laylayan upang mabigyan ng sapat na ani upang lalong lumaki ang kita na para sa kanilang pamilya,” pahayag ni de Vera.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benipesyaryo sa natanggap na ayuda na magagamit ng mga ito sa planting season at mas malaking tipid ito para sa kanila.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleKorean mission helps Palawan’s deaf community DMC, DCC
Next articleRizal, Cuyo towns receive P120k prize for winning LGU trade fair best booth competition
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.