Mga magsasakang nakatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan ng Culion

May kabuuang 350 magsasaka ang nakatanggap ng ayudang pang-agrikultura na ipinamahagi ng pamahalaang lokal ng Culion sa dalawang barangay na isinagawa noong araw ng Huwebes, Setyembre 2.

Kabilang sa mga agricultural inputs support ang iba’t ibang vegetable seeds, fertilizers, at pesticides na ipinamigay sa 150 magsasaka mula sa Barangay Malaking Patag at 200 naman sa Brgy. Luac.

Ang pamamahagi ng mga agricultural inputs na isinagawa sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office(MAO) ay alinsunod sa “Assistance Program to marginalized Farmers for Upland and Lowland Palay Farmers” na  pinondohan mula sa 20% Development Fund ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Virginia de Vera, ang programang ito ay kasama sa kaniyang hangaring magkaloob ng “Full Support Program” ang local government unit (LGU) na direktang mapapakinabangan ng mga magsasaka at massuuportahan ang industriya ng gulayan sa bayan.

“Alinsunod sa ating pangarap patungkol sa agrikultura na nakapaloob sa Comprehensive Land Use Plan(CLUP) ng bayan ng Culion na maging “food basket” ng Calamian, ang ating bayan,” pahayag ni de Vera.

Nais din niya na ang suportang ito sa mga magsasaka ng gulay ay makakatulong para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, magkaroon ng sapat na gulay ang bayan ng Culion at maaari pang makapagbenta sa ibang bahagi ng Calamianes.

About Post Author

Previous articleNHA claims there are housing programs for rebel returnees elsewhere, but they prefer Palawan
Next articleLPA outside PAR less likely to develop into storm in next 48 hours
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.