Ang mga magsasaka ng niyog na nakatanggap ng insentibo na may kabuuang P497,000.

May kabuuang  93 coconut farmers mula sa dalawang barangay sa bayan ng Taytay ang nakatanggap ng cash incentives na ipinamahagi ng Philippine Coconut Authority-Palawan (PCA-Palawan) sa ilalim ng Incentivized Coconut Planting and Replanting project, noong araw ng Biyernes, September 17.

Ang mga magsasaka ng niyog na nakatanggap ng insentibo na may kabuuang P497,000 ay kinabibilangan ng 49 mula sa Barangay Abongan at 44 naman sa Brgy. Alacalian.

Sa ilalim ng nasabing programang, binibigyan ng pagkakataon na magtanim ng niyog ang mga magsasaka sa kanilang lupain upang ito ay mapabilang sa mga maaaring makatanggap ng naturang insentibo.

Ayon kay Arlo Solano, PCA-Palawan Acting Division Chief I, bawat puno ng niyog na maitatanim ay babayaran ng halagang P40 para sa mga magsasakang may lupang taniman na kalahating ektarya hanggang isang ektarya.

- Advertisement -

“Marami na tayong mga coconunt farmers ang nakatanggap ng insentibo ng programa sa Palawan. Marami na ang nabayaran ng PCA sa ilalim din ng ating Expanded PCA Response to COVID-19 program. P40 ang babayaran natin sa kada nursery stage na napatubo na niyog,” pahayag ni Solano, Lunes, September 20.

Dagdag niya, layon din ng PCA sa programang ito na magkaroon ng malagong coconut reproduction ang lalawigan ng Palawan at mahimok ang mga magsasaka na magtanim ng niyog sa mga bakanteng lupain nila.

Samantala, isinagawa rin ang PCA-Palawan katuwang ang Municipal Agriculture Office ng bayan ng Taytay, ang malawakang pagpapatala ng mga magsasaka ng niyog sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) upang maging kwalipikado ang mga ito sa mga programa at ibat-ibang financial assistance na mula sa PCA at Department of Agriculture (DA).

Previous articleGCQ status sa bayan ng Brooke’s Point pinalawig
Next articleKatawan ng sanggol na nakasilid sa karton, natagpuan sa Narra
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.