Ang farm machineries ay suporta ng DA sa mga magsasaka ng mais sa kanilang bayan upang mas lalo pang mapataas ang kanilang production rate.

Nakatanggap ng mga makinarya na pangsakahan mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga corn farmers sa dalawang barangay sa munisipyo ng Taytay kamakailan.

Kabilang sa mga kagamitang natanggap ng mga magsasaka noong Nobyembre 10 ang isang corn miller at isang 4-wheel tractor. Isinalin ang mga ito sa pangangalaga ng isang farmer organization sa Barangay Abongan, at isang combine harvester para naman sa mga magsasaka ng Brgy. Calawag.

Ayon kay Hernan Fenix, municipal agriculturist ng Taytay, ang farm machineries ay suporta ng DA sa mga magsasaka ng mais sa kanilang bayan upang mas lalo pang mapataas ang kanilang production rate.

Dagdag niya, malaki rin ang magiging kabawasan sa gastusin ng mga magsasaka dahil hindi na nila kailangang mag-renta sa mga pribadong may-ari ng farm machineries sa kanilang lugar.

- Advertisement -

“Ang dalawang barangay na ito ay mataas ang potential sa maisan, kasama ang barangay Bantulan at Banbanan. Nag-request tayo sa DA in a previous month na mabigyan sila ng makinarya at agad namang napagbigyan,” pahayag ni Fenix noong Nobyembre 16.

Nagsimulang mag-ani ang mga magsasaka sa ilang barangay noong buong buwan ng Agosto hanggang Oktubre at nakatakda namang magtanim ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Fenix, patuloy din ang binibigay na agricultural suport ng lokal na pamahalaan katuwang ang DA sa mga farmers cooperative and associations sa Taytay upang mas lalo pang gumanda at lumago ang agrikultura kabilang na rin ang mga nasa pagsasaka ng palay.

“Isa rin itong pagtutok natin sa mga palay farmers natin. Previously, marami ring makinarya ang naibigay sa kanila through DA, at ngayon ay napapakinabangan na ng asosasyon,” dagdag ni Fenix.

Previous articleGeneral assembly sought for PALECO member-consumers to discuss power issues
Next articlePSU resumes face-to-face classes for nursing students
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.