Nakatanggap ng kamakailan ng four-wheel drive tractor ang isang samahan nang mga nagtatanim ng mais sa Barangay Aramaywan sa bayan ng Narra mula sa Department of Agriculture (DA) sa MIMAROPA.

Ito ay isang 90HP Ford na may kasama rin na kagamitan katulad ng disc plow, disc harrow, rotary tiler, at FT trailer.

Ipinagkaloob ito sa Aramaywan Corn Clusters Association (ACCA) sa isinagawang turnover ceremony na pinangunahan ng Provincial Agriculture Office (PAO) noong Agosto 26, kasama ang lokal na pamahalaan ng Narra sa pangunguna ni acting mayor Crispin Lumba.

Dumalo rin sa aktibidad si Nenita Tabangay, provincial corn focal person, na nagpaabot ng mensahe sa mga magsasaka ng mais para mas lalo pang mapagyaman ang agrikultura, lalong-lalo na ang corn industry.

- Advertisement -

Ang nasabing makinarya ay nagkakahalagang P2.15 million sa ilalim ng implementasyon ng Corn Program ng DA MIMAROPA.

Ayon kay Hamsaranie Jakaria, ang siyang presidente ng asosasyon, magiging mas madali at mabilis ang pagpapalawak ng pagtatanim ng mais, maging ang pagbiyahe ng mga kagamitan, pagdala, at pagbenta ng produkto sa pamilihan sa pamamagitan ng makinaryang natanggap nila.

“Una po sa lahat ako po ay nagpapasalamat sa biyaya na aming natanggap. Dati po pailan-ilan lamang ang aming natutulungan pero ngayon, dahil sa makinarya na aming natatanggap ay mas marami na po ang aming ma-accommodate at mas mapapadali ang paghanda ng sakahan at pagdala ng aming mga produkto,” pahayag ni Jakaria, Miyerkules, September 1.

Bukod sa malaking tulong sa sakahan ang nasabing tractor, umaabot din sa tatlong tonelada ang kapasidad nito na magagamit naman ng mga magsasaka sa pagbiyahe ng kanilang mga ani at produkto mula sa sakahan patungo sa pamilihan.

Previous articleRep. Acosta’s office provides accident insurance to barangay health frontliners
Next articleProv’l Board wants DPWH to explain why Maasin Bridge remains unfinished
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.