Ayon kay Jeremiaz Nuñez, bagama't luma na ang mga aklat at wala na sa BEC ng Department of Education (DepEd) ay maaari pa ring basahin at mapakinabangan ng mga mag-aaral.

Humigit-kumulang 1,000 na lumang aklat ang ipinamahagi sa mga mag-aaral ng Bataraza National High School (BNHS) mula sa kanilang school library, araw ng Huwebes, Nobyembre 25.

Ang mga nasabing aklat ay ipinamigay dahil natapos na ang Basic Education Curriculum (BEC) kung saan ginamit ang mga ito at bilang bahagi na rin ng kanilang pakikiisa sa National Reading Month na may temang ” Bawat Bata na Bumabasa Ngayong Hamon ng Pandemya.”

Ayon kay Jeremiaz Nuñez, bagama’t luma na ang mga aklat at wala na sa BEC ng Department of Education (DepEd) ay maaari pa ring basahin at mapakinabangan ng mga mag-aaral.

“Although may mga pages na sira, maaari pa rin nilang maging references ang mga nilalaman ng aklat. Sayang naman kung sunugin ito o itambak dito sa atin kaya ibinigay na natin ito sa mga estudyante at mga magulang,” pahayag ni Nuñez, Nobyembre 26.

- Advertisement -

“Kapag retrieval ng modules, may mga estudyanteng kumukuha, may mga parents din na kumukuha ng mga lumang aklat,” dagdag niya.

Umaasa rin si Nuñez na gagamitin ito ng mga nabigyan sa kanilang pag-aaral at makakatulong pa rin sa kanila lalo na ngayong panahon ng distance learning.

Samantala, kaugnay ng pagdiriwang ng National Reading Month, nakiisa ang BNHS sa pamamagitan ng pagdaos ng ibat-ibang online activities na makakatulong sa pagpapataas pa ng kalidad ng pagbabasa ng kanilang mga estudyante.

Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ang Book Character Costume contest, Book Story Reading contest at Family Reading contest. Ang mga magwawagi ay iaanunsyo sa huling linggo ng Nobyembre.

Previous articleDanao blasts Calategas seawall construction
Next articleMga kabataan mula sa Agutaya at Aborlan, lumahok sa isang teenage pregnancy symposium
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.