Oct 24, 2020

Mga labi ng isang nawawalang lalaki sa Aborlan, natagpuan

Kinilala ang mga labi ng nasabing lalaki ng isang kamag-anak nito sa pamamagitan ng mga damit at tsinelas na nakuha sa tabi nito.

Hiwa-hiwalay na buto ng isang lalaki ang natagpuan sa isang coconut plantation sa Barangay Ramon Magsaysay, Aborlan noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga labi ng nasabing lalaki ng isang kamag-anak nito sa pamamagitan ng mga damit at tsinelas na nakuha sa tabi nito.

Ang biktima, na kinilalang si Jimmy dela Rosa, 53, ay una nang naiulat sa pulisya ng mga kamag-anak nito na nawawala.

Ayon sa isang Palermo dela Rosa, tiyuhin ng nasabing biktima, naiulat nila sa mga awtoridad na nawawala ang biktima noong May 7.

Ang mga labi nito ay natagpuan ng isang residente, na agad nagtungo sa kapitan ng barangay upang ipaalam ito.

Ayon pa kay dela Rosa, ang kaniyang pamangkin ay may sakit na hypertension at dumaranas ng depresyon.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry