Dumalo ang mga kawani ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) mula sa mga probinsya ng MIMAROPA sa kauna-unahang face-to-face Regional Performance Review and Planning Workshop na ginanap sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Layunin ng aktibidad na ito na malaman ang iba pang mga pangangailangan ng mga kawani ng RSBSA para sa pagpapaganda at pagpapadali ng serbisyo nila sa pagtatala ng mga datos ng magsasaka at mangingisda.
Ang datos mula RSBSA ay isa sa pinagbabasehan ng Kagawaran upang malamanan ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda para sa mga programa at proyekto ng ahensiya.
Pinangunahanang aktibidad ng Management Information System head at RSBSA focal person na si Anna Lalaine Olivar, RSBSA Co-Focal Person at Rice Program Coordinator Ronald Degala, at Agricultural Program Coordinating Officer- Occidental Mindoro Eddie Buen.