Photos from BFP Narra

Umabot sa anim na sako ng basura na kinabibilangan ng cellophane at plastic bottles ang nakolekta ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Narra sa isinagawang coastal clean-up drive sa baybayin ng Barangay Antipuluan, araw ng Lunes, Agosto 30.

Ang aktibidad ay isinagawa ng mga kawani ng pamatay sunog bilang suporta sa greening program ng pamahalaan sa pag-iingat at pangangalaga ng kalikasan.

Ayon kay FO1 Mark Gapuz, ginagawa nila ang aktibidad sa iba’t-ibang barangay ng bayan kada buwan kung saan, nakikipag-ugnayan sila sa barangay officials upang maging katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran lalong- lalo na sa karagatan.

Dagdag niya, hindi lamang sila mga bombero na ang sinumpaang tungkulin ay bilang taga-apula ng sunog kundi mga environment friendly officers din na nangangalaga ng kalikasan.

- Advertisement -

“Sa pamumuno ng aming hepe, F/Insp. Jhon Mark Babas, masaya po kaming nakakatulong sa pangangalaga ng kalikasan, sa pamamagitan po ng coastal clean up drives, hindi lang sa Antipuluan kundi sa iba pang barangay ng Narra,” pahayag ni Gapuz.

Samantala, maliban sa coastal clean-up ay nakilahok din BFP-Narra sa isinagawang Brigada Eskwela sa West Elementary School sa barangay Poblacion noong araw ng Huwebes, August 26.

Previous articleOver 1K job vacancies available for OFWs in Brunei
Next articleAlert on for a potential first Delta variant case for PPC
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.