Nagpakitang gilas nitong Martes ang mga katutubong Pala’wan sa bayan ng Rizal sa pamamagitan ng iba’t ibang tradisyonal na laro kaugnay ng ika-6 na Tau’t Bato Festival kaugnay ng ika-40 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Naglaban laban ang mga katutubong Pala’wan mula sa 11 na barangay ng bayan sa mga larong sibat, supok, tug of war, kasing, kadang-kadang, akyat yantok at palo sebo.
Ayon sa tagapagsalita ng pamahalaang bayan ng Rizal na si Jaja Magbanua, layon ng aktibidad na bigyang importansya ang mga nakagisnan at kinalakihang laro sa kanilang komunidad noong panahong wala pang mga gadgets at internet
“Importance ng tribal games na ito ay una ,mai- showcase ng mga katutubo ang kanilang galing sa mga laro na kanilang halos araw-araw na ginagawa na hindi pa nakikita ng mga kababayan na nandito sa Poblacion,” sabi ni Magbanua.

“Ang part naman ng LGU is mabigyan sila ng spot na hindi sila ma be-behind sa community at nais ng LGU through leadership ni Mayor Ong na patuloy na maging kapaki-pakinabang ang mga laro na naipapamalas ng mga katutubo at maipakita na prayoridad sila ng administration ni Mayor Ong,” dagdag pa nitong pahayag.
Nabuo ang konsepto upang hindi makalimutan ang mga larong katutubo na mayroon sa Rizal at hakbang din ito ng LGU upang mapreserba ang kultura ng mga katutubo sa kanilang lugar.
“[Yong] pag initiate ng tribal game na ito ay isang hakbang ni Mayor Ong na ma-preserve yong mga laro ng IPs within the area. Actually hindi lang ito unang beses na nagsagawa ng tribal games. Last year nagkaroon nadin nito with the help of Vice mayors Office, Special forces company ng Philippine army at ilang opisina ng LGU,” sabi pa ni Magbanua.




Ayon naman kay Atty. Ryan Pacabis, Tourism officer ng Rizal, pagkakataon itong mapagyaman ang kultura ngmga IP na siyang majority group sa kanilang bayan.
“Ito ay pagkilala at pagbibigay halaga sa mga kapatid nating katutubo bilang bahagi ng lipunan ng bayan. Kaya we promote and conserve their culture, tradition, way of life, arts and others,” pahayag nito