Lumahok sa taunang selebrasyon ng National Rice Awareness Month ang nasa 100 katutubong magsasaka sa munisipyo ng Aborlan na isinagawa noong araw ng Biyernes, Nobyembre 26.

Ang aktibidad na may temang “Be RICEponsibly Healthy” ay pinangunahan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA regional office, katuwang ang Municipal Agricultures Office (MAO) at Provincial Agricultures Office sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal ng Aborlan.

Ayon kay Vicente Binasahan, Agricultural Program Coordinating Officer ng DA sa Palawan, ang aktibidad ay naglalayong bigyan ng kamalayan ang bawat Pilipino sa tamang pagkonsumo ng bigas na hindi makakasama sa kalusugan at isulong ang pagtangkilik ng bigas na mula sa mga lokal rice farmers.

“Ito rin ang nagsisilbing paala-ala sa ating lahat na dapat nating pangalagaan ang ating kalusugan lalo na ngayong panahon ng pandemya,” pahayag ni Binasahan.

- Advertisement -

Nagbigay din ng impormasyon ang DA tungkol sa responsableng paggamit ng bigas na nagsisilbing pangunahing pagkain ng isang pamilya, at isinagawa rin ang sabayang panunumpa ng “Panatang Makapalay”.

Pagkatapos ng programa ay nakatanggap ang mga partisipante ng sari-saring pagkain na gawa sa bigas katulad ng puto, kutsinta at iba pang kakanin, at binigyan din ang mga ito ng tag-apat na kilong bigas.

Previous articleIBP, LENTE inks agreement to work together in 2022 polls
Next articleTaytay residents experiencing water service interruption for five days now
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.