File photo

Sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya ay patuloy na gumagawa ng sawali ang isang komunidad ng katutubo sa Sitio Bidang, Barangay Panitian sa bayan ng Sofronio Española, bilang kanilang pangunahing kabuhayan.

Ayon kay Ronnie Etek, isang sawali weaver sa lugar, maliit ang naging epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19, na nagsimula noong 2020 sa kanila dahil patuloy lang sila sa pagtratrabaho at paggawa ng sawali upang ibenta o kaya ay i-deliver sa kanilang mga main buyers.

“Noon po na naghigpit, apektado pero gumagawa pa rin kami. Kinukuha pa rin ng buyers namin, nakakabenta pa rin kami,” pahayag ni Etek.

File photo

Aniya, nagkaroon man ng mahigpit na restriction noon para pumasok sa kanilang lugar ang mga buyers ay gumagawa pa rin sila ngunit ito ay iniimbak lamang muna nila.

“Iniipon namin ang nagagawa naming sawali. Yong lockdown noon nasa 15 days lang din yon pero pagkatapos, nai-dispose na rin yong mga gawa namin at nakabenta pa rin kami,” dagdag niya.

Ayon pa kay Etek, bagama’t nagkaroon ng pandemya ay hindi rin naapektuhan ang presyo ng kanilang produktong sawali na nagkakahalaga ng P250 kada rolyo.

“May mga buyer po kami na binabayaran agad ang gawa namin, kinukuha nila agad yon. Wala rin kaming problema, kung mga nasa sampu ang magawa namin, bayad na agad yon,” aniya.

Ang Sitio Bidang ay isa sa mga malaking producer ng sawali na pinagkukunan ng mga buyers at niluluwas sa bayan ng Narra, Bataraza at maging sa lungsod ng Puerto Princesa.

▲ 

About Post Author

Previous articlePHIVOLCS says recorded Intensity 1 quake in Palawan ‘mild’, did not bring any damage
Next articleNo. 7 most wanted ng Palawan dahil sa pananambang at murder, arestado sa bayan ng Narra
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.