Namigay ng libreng tsinelas ang mga tauhan ng 1st PMFC sa mga katutubo bilang bahagi ng kanilang pagbibigay-serbisyo sa mga residenteng nasa liblib na lugar

Naghandog ng libreng serbisyo ang Palawan First Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) sa mga katutubong residente ng Sitio Mansalay, Barangay Mainit sa bayan ng Brooke’s Point, noong Martes, Abril 27.

Sa nasabing aktibidad, namigay ng libreng tsinelas ang mga tauhan ng 1st PMFC sa mga katutubo bilang bahagi ng kanilang pagbibigay-serbisyo sa mga residenteng nasa liblib na lugar at mahirap abutin bilang bahagi ng kanilang ugnayang pang-komunidad ilalim ng kanilang programang “Barangay Bayanihan para sa kabataan” sa bahaging sur ng lalawaigan ng Palawan.

Sa panayam ng Palawan News kay Patrolwoman Jenivie Catanduanes, umabot sa tatlumpung pares ng tsinelas ang kanilang inihandog sa mga may edad na o adult  at tatlumpong tsinelas din ang naipamigay sa mga kabataang katutubong Palaw’an.

“This is a continues effort ng aming hanay sa 1st PPMFC na mabigyan ng mga ganitong pangangailangan ang mga kababayan natin lalo na ang mga IP communities,” pahayag ni Catanduanes.

Dagdag pa niya, ang ginamit na pambili ng tsinelas ay mula sa ambagan ng mga pulis ng 1st PPMFC.

“Sa ilalim ng pamumuno ng aming force commander na si P/Lt. Col. Eldie Bantal ay nahatiran ng tsinelas ang mga katutubo natin. Nagpapasalamat kami sa mga stakeholders na tumutulong sa lahat ng  mga community activity natin at sa lahat po ng tropa,” paliwanag ni Catanduanes.

Ayon naman kay Bantal, marami na ring komunidad sa south palawan ang naging benipesyaryo ng kanilang programang “Barangay Bayanihan para sa kabataan,” na hindi lang pagbibigay ng tsinelas kundi pagbibigay ng mga vitamins, at iba pang serbisyo gaya ng libreng gupit at libreng tuli sa mga komunidad sa liblib.

“Mag-ingat tayong lahat, pandemya ngayon, ito ang panawagan natin sa lahat ng mga community natin. Nandito lang ang ating hanay kasama ang mga stakeholders natin para kahit papaano, sa mga ganitong klaseng handog ay maiabot natin sa mga liblib na lugar lalong lalo na sa mga IP community natin,” pahayag ni Bantal.

About Post Author

Previous articleSampung bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Brooke’s Point
Next articleIncrease in live weight price seen as boost to hog growers
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.