Outreach program na isinagawa sa Barangay Kemdeng sa isang tribal village. | Larawan mula kay PCPL Michael Angelo Villaverde RMFB San Vicente Palawan.

SAN VICENTE, Palawan — Isang outreach program ang isinagawa ng 401st B MC Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa isang tribal village sa Barangay Kemdeng noong Sabado, Abril 3.

Layunin ng naturang aktibidad na makapagpaabot ng serbisyo sa mga katutubong Tagbanua na naninirahan sa nasabing lugar upang maiparating sa kanila ang serbisyo ng gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

“Sila yung nakikita namin na mas nangangailangan ng tulong, suporta lalo na ngayong  pandemic, lalo na at sapat lang sa pagkain ang kinikita nila sa kanilang hanap-buhay. Natutuwa na hindi sila nakakalimutan ng gobyerno,” pahayag ni P/Cpl. Michael Angelo C Villaverde organizer ng nasabing aktibidad.

Ayon pa kay Villaverde, matagal nang nakaplanong isagawa ang aktibidad subalit ipanagpaliban dahil sa kasagsagan ng pandemya.

“Dapat noong December pa yan kaso dahil sa pandemic, nag-focus kami sa kaligtasan ng mamamayan laban sa COVID-19,” aniya.

Kabilang sa mga naging pangunahing tampok sa nasabing activity ang tree planting kung saan mahigit 100 puno ang itinanim, clean-up drive, libreng gupit at gift giving.

Naging katuwang naman ng 401st RMFB ang San VicenteMunicipal Police Station, 33rd Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-3, Barangay officials at Sanggunian Kabataan ng Kemdeng

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang organizers sa lahat ng kanilang nakatuwang. “Sa tulong ng mga MPS, Philippines Marines, Sanguniang Kabataan at Barangay Officials ng kemdeng  naging maayos ang activities. Sa mga Ukay owners na tumulong, maraming salamat,” ani Villaverde.

About Post Author

Previous articlePag-IBIG Fund aiming to increase loan availment by members
Next articleWanted sa kasong murder, arestado sa Balabac
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.