Maari nang daanan ang kalsada mula sa Barangay New Agutaya patungo sa barangay proper ng Sto. Niño ngunit nananatili pa ring hindi passable ang kalsada na nagkokonekta sa Bgy. Sto Niño mula sa ‘Bato ni Ningning’ patungong New Canipo.

SAN VICENTE, Palawan — Maaari nang madaanan ang karamihan sa kalsadang nasasakupan ng bayang ito makalipas ang dalawang linggo matapos na masalanta ng bagyong Odette na nagresulta sa pagbagsak ng maraming punong kahoy at mga poste ng kuryente noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operation ng lokal na pamahalaan sa mga kalsada upang tuluyan nang matanggal ang mga natitirang debris na iniwan ng pamiminsala ni Odette.

Ayon kay Engr. Charlie Cachuela ng Municipal Engineering Office (MEO), nasa 80 porsyento na ng mga pangunahing kalsada sa bayan na ito ang “passable”, 13 araw matapos ang pagsalanta ng bagyo sa lalawigan.

Ang MEO at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang naatasan ng Emergency Operations Center na magsagawa ng road clearing.

- Advertisement -

Pahayag ni Cachuela, maari nang daanan ang kalsada mula sa Barangay New Agutaya patungo sa barangay proper ng Sto. Niño ngunit nananatili pa ring hindi passable ang kalsada na nagkokonekta sa Bgy. Sto Niño mula sa ‘Bato ni Ningning’ patungong New Canipo.

“Sa Sto. Niño, [doon] sa sinasabi nating Bato ni Ningning onwards hanggang boundary ng Bgy. New Canipo hindi siya passable dahil before pa man ang typhoon Odette, nasira na ang mga kalsada doon,” paliwanag ni Cachuela.

Para sa mga biyaherong tutungo sa Brgy. New Canipo at Binga ang kalsada sa Brgy. Abongan, Taytay lamang ang maaring madaanan.

Dagdag ni Cachuela, ang kalsada naman mula sa Brgy. Poblacion patungo sa Port Barton ay maaari na ring madaanan ng sasakyan na hindi lalampas sa truck na may kapasidad na six cubic meters ang laki.

Naisayos na rin ang tulay na nasira sa Brgy. Kemdeng malapit sa paaralan ng elementarya ngunit tanging light vehicles pa lang din ang pinapayagang dumaan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng clearing operation ang MEO at MDRRMO sa kalsada patungonl sa Bgy. Caruray.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa Palawan Council for Sustainable Development Staff upang makahiram ng karagdagang gamit partikular ng mga chainsaw upang mas mapabilis ang isinasagawang clearing operation.

Nagpasasalamat din ang lokal na pamahalaan sa MDRRMO ng mga bayan ng Rizal at ng Narra na nagpadala ng grupo kamakailan upang makatulong na mapabilis ang clearing operation sa bayan.

Previous articleBakunado sa Sofronio Española, umabot na sa 7,622 na indibidwal
Next articleGenerally pleasant weather in the country on the 1st week of 2022
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.