Ang mga kabataan mula sa labing-walong barangay sa Brooke's Point sa isinagawang Olympics parade. | Larawan mula sa MIO Brooke's Point

Nasa 3,000 na LGU scholars ang lumahok sa isang sports olympics na isinagawa ng pamahalaang bayan ng Brooke’s Point.

Ayon kay Ireneo Maestrecampo, focal person ng LGU Iskolar ng Bayan, hangarin ng pamahalaang lokal na pagbuklurin ang mga kabataan sa pamamagitan ng sports na makakatulong sa kanilang healthy lifestyle bilang mga estudyante at mailayo rin ang mga ito sa bisyo.

“Sports engagement and enhancement po ito para sa kanila, layon po ng ating LGU na hindi lamang po tayo tumutulong para sa kanilang mga pag-aaral kundi maging ang paghubog sa kanila sa pamamagitan ng laro, malaking bagay din ito sa kanila at ang camaraderie ng bawat kabataan sa Brooke’s Point ay mapag-isa,” sabi niya.

Lumahok ang mga iskolar sa iba’t ibang laro na kagaya ng basketball, volleyball, sepak takraw, badminton, chess, word factory, scrabble, at sa quiz bee na naglalayong maipakita ang kanilang mga galing at talento sa larangan ng sports.

Samantala, sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng aktibidad ay ipinangako ni Brooke’s Point Mayor Cesareo Benedito sa mga kabataan ang patuloy na suporta ng LGU sa kanila.

Hangad umano ni Benedito na maging daan ang mga palarong ito na mahubog ang galing ng mga kabataan sa kaniyang bayan.

About Post Author

Previous articleDating NPA member, arestado ng mga awtoridad sa kasong murder
Next articleDICT nagbigay ng libreng wifi sa PSU Narra
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.