Apatnapu’t walong indibidwal na sakay ng magkaibang bangka ang naaresto ng awtoridad dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng Cagayancillo at Magsaysay hinggil sa ipinagbabawal na paggamit ng compressor at pangingisda o transient fishing sa loob ng municipal waters ng walang kaukulang permiso.

Ayon sa ulat mula kay P/Maj. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Police Provincial Office (PPPO), unang naaresto noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, sa Barangay Alcoba, Magsaysay sina Ramil Tolipas Arnaldo, 51, kapitan ng bangkang FBCA Angel Gabrelle; Aldrin Bagapuro Andres, 57, chief engineer, at Rodel Lota Tolipas, 43, at 35 na iba pang crew na pawang mga residente ng San Jose, Occidental Mindoro.

Sila Arnaldo at ang kanyang crew ng bangka na pagmamay-ari ng isang Eddie Hopio ng San Jose, Occidental Mindoro ay nahuli habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang operatiba ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS) sa municipal waters ng naturang bayan na gamit ang air compressor.

Ang paggamit ng compressor ay ipinagbabawal hindi lamang ng ordinansa ng Magsaysay kundi maging ng Republic Act 8550 o ang 1998 Fisheries Code of the Philippines. Ipinagbabawal ang paggamit nito dahil ito ay “active fishing gear” na nakakahuli din ng maliliit na isda.

- Advertisement -

Noong kaparehong araw din ay inaresto naman ang grupo nina Dante Alibo Buhay, 39; Aljhon Favila Buhay, 23; Sonny Boy Bipurada Siarot, 29, at Rio Juanisa Trinidad na mga residente ng Sipalay City, Negros Occidental sakay ng bangka na Sanghaya.

Inaresto sila ng joint team ng Cagayancillo MPS at Bantay Dagat ng natura ding bayan habang nagsasagawa ng seaborne patrol operation sa bisinidad ng Brgy. Nusa.

Hinuli sila dahil ipinagbabawal ng Magsaysay ang transient fisherman na mangisda sa territorial waters nito.

Previous articleDOTr eyes gradual increase in passenger capacity
Next articleProvincial board wants total ban on rice importation
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.