Larawan mula sa PIO FB page.

Nasa 200 na iba’t ibang uri ng high value fruit trees ang naitanim ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang “Plant a Tree” na ginanap sa PGP Compound, Brgy. Irawan, Puerto Princesa ngayong araw, Setyembre 18, 2023.

Kabilang sa mga naitanim na puno ay star apple, santol, guyabano, langka, kalamansi at iba pa.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Government- Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) katuwang ang Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) bilang bahagi pa rin ng pakikiisa ng provincial government ng Palawan sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Philippine Civil Service sa buong bansa ngayong buwan ng Setyembre na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes.”

Previous article501 Palaweños renew firearm licenses through LTOPF caravan
Next articleQuarrel leads to hacking death