Ang mga elementary at secondary school teachers na tumanggap ng insentibo mula sa lokal na pamahalaan ng Rizal noong buwan ng Hulyo. | Larawan mula kay Ed Boboy Monte

Napapakinabangan na ngayon ng mga pampublikong guro sa elementarya at sekondarya sa bayan ng Rizal ang insentibo para sa kanila na inilaan ng pamahalaang lokal bilang balik sa pagod na kanilang inilalaan sa distance learning dahil sa COVID-19.

Noong buwan ng Hulyo, nakatanggap ang mga ito ng P2,000 insentibo mula sa local government unit (LGU) para sa 2020 at sa darating na buwan ng Oktubre ibibigay ang kasunod na insentibo para sa 2021.

Ayon kay Vice Mayor Norman Ong, ang nag-akda ng Municipal Ordinance No. 2019-010 na may kaugnayan sa pamamahagi ng insentibo, nagkaroon lamang ng late implementation dahil hinanapan pa ito ng pondo kung kaya’t taong 2021 lamang naibigay ang para sa 2020 implementation bagama’t ito ay aprobado na noon pang 2019.

Batay sa ordinansa, ibibigay ito sa mga guro tuwing buwan ng Oktubre bawat taon kasabay ng selebrasyon ng Teachers’ Day Celebration kung saan nagkakahalagang P1.2 milyon ang inilaan.

- Advertisement -

“Ako ay dating guro din at alam natin ang kanilang paghihirap sa pagtuturo. Ibinigay ito sa kanila upang kahit papaano ay mayroon silang magamit. Mahal ko ang mga guro d’yan tayo nagmula at ramdam ko ang kanilang pangangailangan, hindi man ito sapat sa ngayon pero ang mahalaga ay nasimulan na at ipagpapatuloy pa,” sabi ni Ong noong Biyernes, Agosto 8.

Ani pa ni Ong, ito ay kanilang kinukuha sa tanggapan ng ingat yaman sa bayan ng Rizal.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga guro sa bayan ng Rizal sa natatanggap nilang insentibo kung saan kinikilala sila ng LGU upang maitawid pa rin ang edukasyon sa gitna ng krisis.

“2019 ito na-approve at sinuportahan ito ng buong konseho, dahil ang mga guro talaga natin dito ang makikinabang, mayroon silang magagamit, at tuloy-tuloy na ito bawat taon,” dagdag niya.

Previous articleFinancial Posture
Next articleInternet access a major challenge among teachers
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.