Ang maputik na daan na nilalakad ng mga guro sa Cacarigan Aramaywan Narra patungo sa kanilang paaralan. (Larawan mula kay Herbert Concepcion)
- Advertisement by Google -

Hinihiling ng mga guro sa Cacarigan Elementary School (CES) sa Barangay Aramaywan sa Narra sa mga kinauukulan na kung maaari ay bigyang pansin ng lokal na pamahalaan na magkaloob ng road projects sa kanilang lugar patungo sa kanilang eskwelahan upang hindi mahirapan ang mga bata pumasok tuwing panahon ng tag-ulan.

Ang kahilingan ay para sa 3-4 na kilometrong kalsada na kanilang dinadaanan para pumasok sa CES.

Isa sa kanila ay si Herbert Concepcion, guro sa Grade 6, na nagsabing matagal na nilang problema ang kalsada papunta sa CES dahil tuwing umuulan ay sobra ang kapal ng putik na kanilang sinusuong para lamang makapasok.

- Advertisement -
Bahagi ng hanging bridge na sinira ng bagyong Maring noong 2021 sa Cacarigan, Aramaywan (Larawan mula kay Herbert Concepcion)

Aniya, napakarami na nilang napagdaanang hirap dahil sa kalsada nila, kabilang na ang mahirap na pag akyat ng kanilang mga motorsiklo patungong eskwelahan at minsan pa ay natutumba sila sa mismong putik.

“Four years na akong nagtuturo dito, apat na taon ko ng dinadanas ang makapal na putik papuntang eskwelahan na amin pinagtuturuan. Hirap na hirap kaming mga guro kapag panahon ng tag-ulan dito,” sabi ni Concepcion sa Palawan News noong Miyerkules, July 20.

Aniya, hanggang ngayong Hulyo ay kailangan pa rin niyang pumasok dahil marami pa rin siyang mga inaayos na mga papel sa kaniyang gradong hinahawakan. Mula Lunes hanggang Biyernes niyang nararanasan ang dumaan sa maputik na kalsada, lalo na’t malakas ang ulan at walang tigil.

“Ang ginagawa namin, iniiwan namin ang motor namin sa labas. Then ang putik po na daan ay nasa 3-4 kilometro bago namin marating ang eskwelahan, putik na ang paa namin niyan,” dagdag ni Concepcion.

Dagdag hirap pa rin, ayon kay Concepcion, ang pagtawid sa isang ilog na dati ay nadadaanan nila dahil sa hanging bridge. Ngunit ang tulay ay winasak ng bagyong Maring noong 2021 kaya kapag mataas ang tubig sa ilog, hindi sila nakatatawid at madalas nauuwi sa hindi na lang pumasok dahil delikado ang pagtawid.

Kung noon ay may kable pa silang nakakapitan kapag mataas ang tubig sa ilog, ngayon ay sira na rin ito. Kapag kaya nila umano na tawirin ang ilog, ginagawa nila ito kung ang taas lang ay hanggang baywang.

“Pero ngayon sira na yong hanging bridge, no choice na kami. Tinatawid na namin ang ilog kahit hanggang baywang ang taas, pero kapag sobrang lakas na, hindi na kami makatawid, hindi na kami nakakapasok sa school, uuwi na lang kami,” kuwento pa niya.

“Bilang isang guro na halos nakaka experience ng pangit na daan, sana mabigyan nila ng pansin–pondo upang maayos po ito, lahat ng mga residente na dumadaan dyan hinaing na po nila yan, kawawa sila,” sabi niya.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePTA ng isang eskwelahan sa El Nido, inirereklamo dahil sa patung patong na singilin sa mga estudyante
Next articleCOMELEC not yet considering an extension of ongoing voter registration
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.