Buliluyan Elementary School (BES) sa munisipyo ng Bataraza. (PN File)

Maaga pa ay bumabangon na ang mga guro sa Buliluyan Elementary School (BES) sa Bataraza para sumagap ng internet signal na nagmumula sa Barangay Bugsuk sa Balabac para sa pagpapatuloy ng distance learning sa ilalim ng new normal sa mahigit na 300 nilang mga estudyante.

Pahayag ng mga guro ng paaralan, dalawang taon na silang nahihirapan sa pag-download ng modules para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa elementarya sa Buliluyan na walang ring kuryente.

Ayon kay Teacher 1 Dane Rose Billones, isang challenge para sa kanila ang kawalan ng magandang signal at maging ng kuryente sa lugar.

Para magkaroon ng signal ang mga guro at mga residente ay kailangan pang tumungo sa pier kung saan may nasasagap mula sa isla ng Brgy. Bugsuk sa Balabac.

- Advertisement -

“Talagang mahirap sa amin. Masuwerte na kung magkaroon ng signal ang cellphone. Ang ginagawa namin ay pumupunta pa kami sa pier dala ang wifi at mag-download pero mabagal talaga,” pahayag ni Billones.

“Minsan, 4 a.m nasa pier na kami to download ng modules. Medyo may mga delay at backlogs pero kahit paano nakakapag-distribute kami,” dagdag niya.

Kung minsan naman ay kapag tutungo sa poblacion para sa training o seminar ay isinasabay na rin nila ang pag-download ng mga modules.

“Kapag may seminar sa bayan, 2 to 3 days, pagkakataon na makapagdownload kami. Kahit papaano, mas marami at nakukumpleto namin sa bawat week ng mga bata,” ani Bellones.

Sa kasalukuyan, maliban sa modular learning scheme ay gumagamit din ang BES ng Radio Based Instructions (RBI) na nagsisilbing katuwang nila sa paghahatid ng mga aralin at Impormasyon sa mga magulang at mga bata sa paligid ng komunidad.

Ang RBI ay pinaaandar sa pamamagitan ng solar system dahil walang pa ring kuryente ang barangay na nasa dulong bahagi ng sur ng lalawigan.

Previous articleHistorical commission completes installation of Magellan-Elcano quincentennial markers in Palawan
Next articleNCCA documents Pala’wan tribal dance
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.