Image from PSU Sofronio Española Facebook page/ File photo

Nakatanggap ng ayuda mula sa Commission on Higher Education (CHED) ang 44 estudyante ng Palawan State University (PSU)-Sofronio Española campus, araw ng Huwebes, Nobyembre 18.

Ang nasabing ayuda ay mula sa programang Tertiary Education Subsidy (TES) ng CHED kung saan, ang mga estudyante na napabilang sa Listahanan 2.0 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay tumanggap ng halagang P20,000 bawat isa.

Ang nasabing subsidiya ay ipinamahagi nina Sonny Bacomo, ang acting university cashier, at PSU-Española campus director Sandra Manzul, sa mga benipisyaryo .

Ayon kay Rutchell Gauranoc, TES focal person ng PSU-Española, ang nasabing subsidiya ay gagamitin ng mga benepisyaryo para ibili ng textbooks sa kanilang pag-aaral o kaya ay cellphone o laptop, at kung may matitira ay magsisilbing allowances nila habang sumasailalim sa flexible learning scheme ang unibersidad.

- Advertisement -

“May iba naman na pwedeng magamit para sa pagkakitaan gaya ng baboy o livestock na para maging livelihood nila para lumago at magamit din sila habang nag-aaral,” pahayag ni Gauranoc.

“Tinatanong naman natin sila kung ano ang binili nila, at imo-monitor din para malaman natin kung ano ang napagkagamitan nila,” dagdag niya.

Previous article1,500 PNS students get first shot of COVID vaccine
Next articleLacson pushing for government spending in insurgency-cleared barangays despite NTF ELCAC budget cuts
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.